Friday, November 14, 2008

From your Mother

Hi Miguel,

Maraming salamat anak sa lahat ng support,sa lahat-lahat,salamat!Malapit na anak ang pasko,kaya ako nag email ng maaga
anak,ayaw ko na makadagdag sa mga alalahanin nyo,gusto ko nalang kayo ang maging maligaya jan.Wag mo patulan ang mga kapatid mo
ganyan lang ang mga yan.Madali lang mamili sa credit card pero pag pumasok na mga bayarin,maskit na sa ulo.Masaya ang taong walang
gaanong alalahanin.Kung marami kang utang,masakit ang ulo at magulo,maiksi ang pasensya,madali magalit at walang karangalan sa harap
ng pinagkakautangan at sa mga kinukwentuhan ng pinagkautangan.Anak masaya magpaligaya alam ko yan at dama ko rin yan,dahil halos
magkapareho tayo sa maraming bagay,kaya lang di pa cguro napapanahon.Naaawa ako sa iyo,i am just imagining your face in front of anyone
whom you are in debt,naaawa ako anak,lalo na kung dumating ang time na di ka pinagbigyan,kung masasaksihan ko ang time na yan,i will cry.
Alam ko kasi na magbabayad ka at malinis ang pagkatao mo.Ayaw ko rin na pinaguusapan ka behind your back.Sana anak makapamuhay kayo
ng wala nang utang.Ako nalang anak ang dapat na may record ng ganyan ok lang sa akin un,coop naman un at kay sis janet lang.Di masyadong
malaki tubo at di nila ako ginigipit.Di rin sila nag tsitsismis dahil business naman un.At saka may ari-ari an naman kami ni tatay mo na pwede
silang ilitin kung sakali di kami makabayad.

Anak,napakarami ng kailangan namin at gusto,kaya lang di pa napapanahon,mas maraming mahalaga at mas mahalaga sa akin ang inyong
kapayapaan,karangalan at kaligayahan.Wag mo na kami padalhan ngayong pasko ng mga bagay-bagay,di kami nagkukulang dito,masaya kami.
Masagana ang mga kapatid mo dito at mga anak nyo.Mahirap magbayad,mahirap ang trabaho ninyo jan.Iyan nalang ang regalo namin sa inyo
sa pasko ang wala kayong bayaran sa credit card.Matatapos na sina marnelle at madelle,may awa ang panginoon na makapagtrabaho sila,sila
na bibili ng mga gusto nila.Mag-ipon kayo para makapagbakasyon kayo.Gusto ko nga na makapag-aral ka habang nanjan,kahit ung IT kahit ung basic.
Kung makkabalik nga sana si te michelle mo,gusto ko makapag-aral ka jan.Tumaya ka anak once a week,para sa mga pangarap mo,at para rin sa
mga hangad ng iyong kaluluwa.Ang alam ko ang kaluluwa ang naghahangad na makagawa ng mabubuting bagay para sa kapwa.Isa na ang pagbibigay
sa mga walang kakayahan na makapamuhay ng sapat.Ang pagkahabag sa mahirap ay udyok ng mabuting espirito.Ang pagmalasakit at pagtulong sa
mahihina ay gawa ng kataastaasan.Maskit anak ang dibdib ko kapag may nangangailangan na di ko napagbibigyan dahil wala ako.Masakit makakita
ng mahirap,mahapdi sa dibdib.Anak magpatuloy ka sa paghahangad na maging mabuti,matapat,mapagpakumbaba at kahahabagan ka ng kataastaasan.
Sasamahan ka niya at kailanma'y di ka pababayaan habang kabutihan ang laman ng iyong puso.Hayyyyy!,sana maituro ko lahat sa iyo ang mga bagay
na magdudulot sa iyo ng karangalan.Gusto kong iwanan ko kayo na mga anak ko,na marangal kayo at kalugod-lugod sa harap ng ating tagapaglikha!
Mahihiya ako sa Lord humarap kapag di kayo naging mabuti,ibig sabihin di ko kayo tinuruan,o kaya,di ko rin alam ang mabuti.Hayyyyy!,salamat,salamat
salamat Lord!May panahon pa tayo mga anak ko na magpakabuti,habang may umaga,bawat umaga,pag-asa!

Anak di lang ako makatulog,kaysa sa humiga ako ng gising naman nagemail ako.Ako lang ang gising.Its past 12.Si cass nag fever ng 3 days,akala ko
kung ano na ang sakit,pang apat na araw wala na,sipon lang siguro.Di ako natutulog sa gabi,may katabi akong tubig at towel pamunas sa lagnat.
Every 4 hours pinapainom ko ng tempra,mataas ang fever.Nagpray lang kami bago matulog,dapat gigising kami ng 1 am para uminom ng gamot dahil
every 4 hours nga,nagising kami 4:30 am na at wala na siyang fever.Takang taka ako,sabi ko Lord anong nagyari bat di ako nagising,baka nag fever si
cass sa time na tulog ako,kawawa naman,ang naisip ko,ano ba mahalaga yung kaninang tulog kami o yung ngayon na wala na siyang fever?Madaling araw
di na kami natulog,pinagaling siya ng Panginoon,napakamahabaging Diyos!Nag a alala n akasi ako noon,sabi ko pag di pa gumaling si cass,punta na kami
hospital.Napakabuti ng Lord! Alam niya ang mga bagay na masakit damhin sa dibdib.Dahil sa mga hiling ko sa Lord,gusto kong magpakabuti,sana tulungan
ako ng maykapal! Anak wag kang mag-alala sa amin at sa mga anak nyo,mabuti ang Maykapal,napatunayan ko na yan ng maraming beses sa buhay ko.
Sa buhay ng mga anak ko at sa buhayng mga apo ko.Naalala ko ng magkasakit si Jose Miguel,napakamahabagin ng LORD!Walang kwenta ang habag ng
magulang kumpara sa habag ng LORD.Ang galing-galing ng Panginoon! Mapapurihan ko sana siya sa lahat ng aking mga ginagawa at iniisip.Maging marapat
nawa ako sa lahat ng kanyang pagkalinga sa akin at sa aking pamilya.Purihin,purihin ka Panginoon! Maging karapat-dapat sana ako sa iyong habag!

Anak,hanggang sa muli,inuulit ko,wag mo na kami alalahanin ngayong pasko,mag i enjoy din kami,basta kayo din jan masaya.Isa pa ang mahal ng bilihin jan.
Mahal pa ang bayad sa pagpapadala.Mahirap ang buhay mga anak,mahirap ang trabaho ninyo jan,wala kaming kailangan,at saka nalang pag meron na.
Magdasal sa Panginoong HESUS,ang ama at nag-iisang Diyos sa buong daigdig at kalangitan.Magbalik loob at humingi ng patnubay araw at gabi.
Isuko ang iyong sariling kalooban at sundin ang kalooban ng Panginoon gaano man ito kasakit.Itakwil ang sariling gusto,hayaang mangibabaw ang kalooban
ng tagapaglikha,iyan ang marapat at kasiyasiya sa harapan ng Pnginoon.Magmahal ng walang reservation,wag mag antay ng kapalit,hayaan ang Lord ang
gumanti sa lahat ng iyong ginagawa.Patuloy lang na magsumikap na makpagmahal ng tunay at patuloy na unawain ang kapwa.Huwag saktan ang kapwa
mahirap gumaling ang sugat.Wag magpabigla-bigla at magpadalos-dalos,maging mahinahon sa pagpapasya maliban nasa bingit ka at wala ng time.
Huwag mag-isip ng masama sa kapwa,kung ano ang sinasabi iyon ang paniwalaan,para di magkasala.Mabuti kang tao anak,magpatuloy ka at magturo
at maging ilaw ka ng mga kasmahan mo.Mahalin mo ang iyong asawa na katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.Igalang mo ang iyong asawa,di kailangan
manalo sa argument,mas dakila ang nagpapaubaya at nagmamahal.

i will always love u anak,regards to Jackielyn,tell her maraming salamat sa support,salamat sa lahat-lahat,thank you mga anak ko.

nanay

to My Only Son

Dear Miguel,

Anak sana palagi ka lang maayos,masaya na rin kami ng tatay mo kahit di ka yumaman.
Bilang nanay mo wala ng pinakamahalaga kundi ang nanjan ka at maayos.
Sana nga kung magagawa mo lang na magsimba kina pastor Quiboloy,iyon na ang
aking pinakamasayang buhay,ang malaman na ang aking mga anak ay naglilingkod
sa aking Panginoon.I can assure u,you will not regret anak!Marami ka pang pagsisisihan
sa mga bagay-bagay na iyong ginagawa,pero kay Lord,wala kang pagsisisihan anak.

Anak anuman ang kalagayan mo jan,palagi kaming apektado dito.Kung masaya ka
maligaya rin kami dito.Kung may problem ka jan,doble ang effect sa amin dito.
Halos di ko makaya kapag may problema ka jan,mabigat sa loob,wala rin kaming
gana dito ng tatay mo.Sana anak ito nalang ang itulong mo sa amin,masaya na kami.
Ayusin mo lang anak ang buhay mo,dahil kahit magtagumpay pa ang mga kaptid
mo,bale wala kung mayroon akong anak na di maayos.Sana anak pagbigyan mo
kami ng tatay mo sa kahilingan namin.

Anak kung gusto mo kami pasayahin ng tatay mo,ayusin mo ang buhay mo anak,please!
Wag ka na uminom ng alak dahil masama sa kalusugan,naaapektuhan ang organs natin.
Napakahirap ng may sakit na walang pampagamot,inaapi ng mga hospital,mababa ang tingin.
Masaklap sa isang magulang anak ang makita na nahihirapan ang anak,tapos wala syang magawa.
Anak wag mo naman balewalain ang lahat ng mga pangaral namin ng tatay mo sa inyong magkakapatid.

Anak nararamdaman ko parang may sakit ako,aaywan ko kung dahil lang sa lungkot,pero
mayroon talaga ako nararamdaman,tinitiis ko lang at gabi-gabi ako dumadalangin.
Kapag may pera ako magpapachek-up din ako,gusto kong antayin si Miggy na maging doctor.
Si cassy doctor din daw,sabi ng mga tita nya.Pag-ipunan mo anak,di na namin kaya ni tatay mo un.
Hanggang pangarap nalang ako anak,pero masaya ako dahil kay Lord.Di ako natatakot mawala ako
basta maayos lang kau na aking iiwanan.Mula ng mawala si ate tina,nagumpisa narin akong maghanda
anak.Di ako natatakot,kung maaari sana wag muna ngayon,gusto ko talagang antayin sina Miggy at Cassy.
Pero kung di maiiwasan,ok lang ako.

Miguel,ito lang hihilingin ko,ayusin mo anak ang buhay mo,masaya na ako at5 ang tatay mo.
Pansamantala lang ang dulot na ligaya ng pera,pero ang dulot na ligaya ng Lord,walang
kapantay!Walang maliw na kapayapaan,walang katumbas na bagay!Ang lahat ay pansamantala lang
kahit makmtan mo lahat ng kayamanan ng buong mundo,nonsense parin.Ituwid mo ang buhay
mo anak at sigurado ako makakamtan mo ang kapayapaan.Wag kang mainggit sa mga taong may pera
di ako naniniwala na maligaya cla,Lord lang ang pinaggagalingan ng totoong ligaya,at real contentment!
Maniwala ka sa akin anak,di kita lolokohin,alam ng Lord kung gaano ko kayo kamahal na aking mga anak.
Kung mayroon kang gustong pagsikapan anak,ang makamtan mo sana ang favor ng makpangyarihang diyos.
Sa pamamagitan ng iyong pagbabalik loob,patatawarin ka nya at cgurdo ako na makakamit mo ang kapayapaan.

Hangang dito muna anak ko,kung may time ka email ka rin sa akin anak,miss na kita,your my only son
at mahal kita anak ko.Nagsisisi ako sa lahat ng kasalanan ko sa pagpapalaki ko sa iyo,mahal lang kita kaya kita
pinagbigyan sa lahat ng gusto mo anak.patawarin mo ako anak kung naging mapangit akong nanay sa iyo,at sa
mga kapatid mo.Sana anak patawarin mo ako sa lahat lahat ng aking pagkukulang sa iyo.
Kung di mo man nakamit ang mga pangarap mo dahil sa kawalan ko ng karunungan anak.
Gusto ko sana bumawi kay Miggy at Cassy,pero wala na rin yata akong panahon,ikaw nalang
anak ang tumupad sa lahat ng aking failures.

Hanggang sa muli,palagi lang kitang mamahalin Miguel.Kung meron mangaapi sa iyo ilalaban kita
hanggang maipagtanggol kita at manalo tayo.Anak palging ikaw ang laman ng mga dasal ko kay Lord.
kau nina Jackielyn,miggy at cass.Anak,bye-bye na.

will love u always,
nanay

a Letter to my Son

My only Son,

Happy Bday anak ng advance,kung sa LUNES pa ako mag i email baka walang magbukas
ng computer,di na kitaa mababati.Anak kung nandito ka lang reregaluhan kita,kahit mahal basta gusto mo.
Kung sakali mahal,i will buy it with my credit card,mabili ko lang.Gusto ko lang mag make-up sa lahat ng
aking pagkukulang sa iyo.Sana may panahon pa ako,sana may lakas pa ako,how i wish i am always
here and you're always there para makabayad ako sa lahat-laahat.Pwede ba ibayad ko nalang sa mga
anak mo?Joke lang anak,kahit kailan di ko sisingilin itong mga makukulit na ito.Sobra-sobra ang bayad
na ligaya ng mga ito.They are ourr medicine when we are sick and stressed.

Anak wag mo dudungisan ang iyong pangalan,igalang mo ang iyong pangalan,wag mo sisirain sa pamamagitan
ng masasamang gawa.Parangalan mo ito ssa pamamagitan ng mabubuting gawa.Kung may hiram ka na kahit anong
bagay,ibalik mo ito ayon sa inyong napagkasunduan.Tuparin mo ang lahat ng iyong sasabihin,at wag magpapa-asa
o papaasahin ang iyong kapwa para di magkasala sa pananalita.Mas mabuting mabuhay ng kaunti ngunit matapat
kaysa mabuhay ng sagana sa di mabuting paraan.Anak lahat ng tungkol sa Panginoon ingatan mo sa iyong puso
isulat mo sa bawat pahyina ng iyong puso ang kanyang mga batas,baunin mo ito kahit saan at gamitin mo sa lahat
ng panahon,sa lahat ng iyong small and big decisions.

Anak sana basahin mo ang iyong bible,para di ka maligaw at di ka mahirapan mag-isip kung ito ba ay dapat at hindi dapat.
Kahit walang nakakaalam na mabuti ka,magpatuloy kang maging mabuting tao,para sa Panginoon.Tandaan mo palagi anak
nasa kamay ng manlilikha ang buhay at kamatayan.Lumayo ka sa ikakapahamak ng iyong kaluluwa,pahalagahan mo sana
anak ang iyong buhay na walang hanggan,spend your eternity with your creator,ur Lord Jesus!Wag kang mainggit sa mga
taong mayaman ngunit walang patnubay ni Lord,mainggit ka sa mga taong may magandang kalooban at mabuting gawa.
Tularan mo ang mabuti at ikaw man ay pagpapalain din.Kung meron ka magbigay ka sa nangangailangan at walang
kakayahan.Kung malakas at kaya pa maghanap buhay,ang sabi ng Lord wag pakainin ang tamad,yun lang
nangangailangan,meaning yung walang kakayahan.

Hanggang sa muli anak,HAPPY BIRTHDAY ANAK,PAGPALAIN KA NG PANGINOONG HESUS!
Mabuhay ka anak ng mahabang panahon,malusog,masagana,

masaya at mapayapa.
Ipaabot mo kay Jackielyn ang aking pagmamahal.Ang inyong mga anak ay nasa mabuting mga kamay
at sinisikap namin na matugunan ang kanilang nids,spiritually,physically at mentally.Masasayang mga bata ang inyong mga anak.
Di pa nila naiiwasan ang di mag-away,pero understandable ito dahil mga bata at wala pa silang malay sa mabuti.
Kahit di ka yumaman anak,masaya ako at ang tatay mo sikapin mo lang na kalugdan ka ni Lord.Pag frend kau ni lord di ka
nya bibiguin sa mga kahilingan mo.

Binabati ka rin ng tatay mo,magpapasyal daw kami ng mga anak mo sa wild life,nagustuhan ni cass at miggy dun,mura lang doon.

I will always love u anak,

nanay