Friday, November 14, 2008

a Letter to my Son

My only Son,

Happy Bday anak ng advance,kung sa LUNES pa ako mag i email baka walang magbukas
ng computer,di na kitaa mababati.Anak kung nandito ka lang reregaluhan kita,kahit mahal basta gusto mo.
Kung sakali mahal,i will buy it with my credit card,mabili ko lang.Gusto ko lang mag make-up sa lahat ng
aking pagkukulang sa iyo.Sana may panahon pa ako,sana may lakas pa ako,how i wish i am always
here and you're always there para makabayad ako sa lahat-laahat.Pwede ba ibayad ko nalang sa mga
anak mo?Joke lang anak,kahit kailan di ko sisingilin itong mga makukulit na ito.Sobra-sobra ang bayad
na ligaya ng mga ito.They are ourr medicine when we are sick and stressed.

Anak wag mo dudungisan ang iyong pangalan,igalang mo ang iyong pangalan,wag mo sisirain sa pamamagitan
ng masasamang gawa.Parangalan mo ito ssa pamamagitan ng mabubuting gawa.Kung may hiram ka na kahit anong
bagay,ibalik mo ito ayon sa inyong napagkasunduan.Tuparin mo ang lahat ng iyong sasabihin,at wag magpapa-asa
o papaasahin ang iyong kapwa para di magkasala sa pananalita.Mas mabuting mabuhay ng kaunti ngunit matapat
kaysa mabuhay ng sagana sa di mabuting paraan.Anak lahat ng tungkol sa Panginoon ingatan mo sa iyong puso
isulat mo sa bawat pahyina ng iyong puso ang kanyang mga batas,baunin mo ito kahit saan at gamitin mo sa lahat
ng panahon,sa lahat ng iyong small and big decisions.

Anak sana basahin mo ang iyong bible,para di ka maligaw at di ka mahirapan mag-isip kung ito ba ay dapat at hindi dapat.
Kahit walang nakakaalam na mabuti ka,magpatuloy kang maging mabuting tao,para sa Panginoon.Tandaan mo palagi anak
nasa kamay ng manlilikha ang buhay at kamatayan.Lumayo ka sa ikakapahamak ng iyong kaluluwa,pahalagahan mo sana
anak ang iyong buhay na walang hanggan,spend your eternity with your creator,ur Lord Jesus!Wag kang mainggit sa mga
taong mayaman ngunit walang patnubay ni Lord,mainggit ka sa mga taong may magandang kalooban at mabuting gawa.
Tularan mo ang mabuti at ikaw man ay pagpapalain din.Kung meron ka magbigay ka sa nangangailangan at walang
kakayahan.Kung malakas at kaya pa maghanap buhay,ang sabi ng Lord wag pakainin ang tamad,yun lang
nangangailangan,meaning yung walang kakayahan.

Hanggang sa muli anak,HAPPY BIRTHDAY ANAK,PAGPALAIN KA NG PANGINOONG HESUS!
Mabuhay ka anak ng mahabang panahon,malusog,masagana,

masaya at mapayapa.
Ipaabot mo kay Jackielyn ang aking pagmamahal.Ang inyong mga anak ay nasa mabuting mga kamay
at sinisikap namin na matugunan ang kanilang nids,spiritually,physically at mentally.Masasayang mga bata ang inyong mga anak.
Di pa nila naiiwasan ang di mag-away,pero understandable ito dahil mga bata at wala pa silang malay sa mabuti.
Kahit di ka yumaman anak,masaya ako at ang tatay mo sikapin mo lang na kalugdan ka ni Lord.Pag frend kau ni lord di ka
nya bibiguin sa mga kahilingan mo.

Binabati ka rin ng tatay mo,magpapasyal daw kami ng mga anak mo sa wild life,nagustuhan ni cass at miggy dun,mura lang doon.

I will always love u anak,

nanay

0 comments: