Hi Miguel,
Maraming salamat anak sa lahat ng support,sa lahat-lahat,salamat!Malapit na anak ang pasko,kaya ako nag email ng maaga
anak,ayaw ko na makadagdag sa mga alalahanin nyo,gusto ko nalang kayo ang maging maligaya jan.Wag mo patulan ang mga kapatid mo
ganyan lang ang mga yan.Madali lang mamili sa credit card pero pag pumasok na mga bayarin,maskit na sa ulo.Masaya ang taong walang
gaanong alalahanin.Kung marami kang utang,masakit ang ulo at magulo,maiksi ang pasensya,madali magalit at walang karangalan sa harap
ng pinagkakautangan at sa mga kinukwentuhan ng pinagkautangan.Anak masaya magpaligaya alam ko yan at dama ko rin yan,dahil halos
magkapareho tayo sa maraming bagay,kaya lang di pa cguro napapanahon.Naaawa ako sa iyo,i am just imagining your face in front of anyone
whom you are in debt,naaawa ako anak,lalo na kung dumating ang time na di ka pinagbigyan,kung masasaksihan ko ang time na yan,i will cry.
Alam ko kasi na magbabayad ka at malinis ang pagkatao mo.Ayaw ko rin na pinaguusapan ka behind your back.Sana anak makapamuhay kayo
ng wala nang utang.Ako nalang anak ang dapat na may record ng ganyan ok lang sa akin un,coop naman un at kay sis janet lang.Di masyadong
malaki tubo at di nila ako ginigipit.Di rin sila nag tsitsismis dahil business naman un.At saka may ari-ari an naman kami ni tatay mo na pwede
silang ilitin kung sakali di kami makabayad.
Anak,napakarami ng kailangan namin at gusto,kaya lang di pa napapanahon,mas maraming mahalaga at mas mahalaga sa akin ang inyong
kapayapaan,karangalan at kaligayahan.Wag mo na kami padalhan ngayong pasko ng mga bagay-bagay,di kami nagkukulang dito,masaya kami.
Masagana ang mga kapatid mo dito at mga anak nyo.Mahirap magbayad,mahirap ang trabaho ninyo jan.Iyan nalang ang regalo namin sa inyo
sa pasko ang wala kayong bayaran sa credit card.Matatapos na sina marnelle at madelle,may awa ang panginoon na makapagtrabaho sila,sila
na bibili ng mga gusto nila.Mag-ipon kayo para makapagbakasyon kayo.Gusto ko nga na makapag-aral ka habang nanjan,kahit ung IT kahit ung basic.
Kung makkabalik nga sana si te michelle mo,gusto ko makapag-aral ka jan.Tumaya ka anak once a week,para sa mga pangarap mo,at para rin sa
mga hangad ng iyong kaluluwa.Ang alam ko ang kaluluwa ang naghahangad na makagawa ng mabubuting bagay para sa kapwa.Isa na ang pagbibigay
sa mga walang kakayahan na makapamuhay ng sapat.Ang pagkahabag sa mahirap ay udyok ng mabuting espirito.Ang pagmalasakit at pagtulong sa
mahihina ay gawa ng kataastaasan.Maskit anak ang dibdib ko kapag may nangangailangan na di ko napagbibigyan dahil wala ako.Masakit makakita
ng mahirap,mahapdi sa dibdib.Anak magpatuloy ka sa paghahangad na maging mabuti,matapat,mapagpakumbaba at kahahabagan ka ng kataastaasan.
Sasamahan ka niya at kailanma'y di ka pababayaan habang kabutihan ang laman ng iyong puso.Hayyyyy!,sana maituro ko lahat sa iyo ang mga bagay
na magdudulot sa iyo ng karangalan.Gusto kong iwanan ko kayo na mga anak ko,na marangal kayo at kalugod-lugod sa harap ng ating tagapaglikha!
Mahihiya ako sa Lord humarap kapag di kayo naging mabuti,ibig sabihin di ko kayo tinuruan,o kaya,di ko rin alam ang mabuti.Hayyyyy!,salamat,salamat
salamat Lord!May panahon pa tayo mga anak ko na magpakabuti,habang may umaga,bawat umaga,pag-asa!
Anak di lang ako makatulog,kaysa sa humiga ako ng gising naman nagemail ako.Ako lang ang gising.Its past 12.Si cass nag fever ng 3 days,akala ko
kung ano na ang sakit,pang apat na araw wala na,sipon lang siguro.Di ako natutulog sa gabi,may katabi akong tubig at towel pamunas sa lagnat.
Every 4 hours pinapainom ko ng tempra,mataas ang fever.Nagpray lang kami bago matulog,dapat gigising kami ng 1 am para uminom ng gamot dahil
every 4 hours nga,nagising kami 4:30 am na at wala na siyang fever.Takang taka ako,sabi ko Lord anong nagyari bat di ako nagising,baka nag fever si
cass sa time na tulog ako,kawawa naman,ang naisip ko,ano ba mahalaga yung kaninang tulog kami o yung ngayon na wala na siyang fever?Madaling araw
di na kami natulog,pinagaling siya ng Panginoon,napakamahabaging Diyos!Nag a alala n akasi ako noon,sabi ko pag di pa gumaling si cass,punta na kami
hospital.Napakabuti ng Lord! Alam niya ang mga bagay na masakit damhin sa dibdib.Dahil sa mga hiling ko sa Lord,gusto kong magpakabuti,sana tulungan
ako ng maykapal! Anak wag kang mag-alala sa amin at sa mga anak nyo,mabuti ang Maykapal,napatunayan ko na yan ng maraming beses sa buhay ko.
Sa buhay ng mga anak ko at sa buhayng mga apo ko.Naalala ko ng magkasakit si Jose Miguel,napakamahabagin ng LORD!Walang kwenta ang habag ng
magulang kumpara sa habag ng LORD.Ang galing-galing ng Panginoon! Mapapurihan ko sana siya sa lahat ng aking mga ginagawa at iniisip.Maging marapat
nawa ako sa lahat ng kanyang pagkalinga sa akin at sa aking pamilya.Purihin,purihin ka Panginoon! Maging karapat-dapat sana ako sa iyong habag!
Anak,hanggang sa muli,inuulit ko,wag mo na kami alalahanin ngayong pasko,mag i enjoy din kami,basta kayo din jan masaya.Isa pa ang mahal ng bilihin jan.
Mahal pa ang bayad sa pagpapadala.Mahirap ang buhay mga anak,mahirap ang trabaho ninyo jan,wala kaming kailangan,at saka nalang pag meron na.
Magdasal sa Panginoong HESUS,ang ama at nag-iisang Diyos sa buong daigdig at kalangitan.Magbalik loob at humingi ng patnubay araw at gabi.
Isuko ang iyong sariling kalooban at sundin ang kalooban ng Panginoon gaano man ito kasakit.Itakwil ang sariling gusto,hayaang mangibabaw ang kalooban
ng tagapaglikha,iyan ang marapat at kasiyasiya sa harapan ng Pnginoon.Magmahal ng walang reservation,wag mag antay ng kapalit,hayaan ang Lord ang
gumanti sa lahat ng iyong ginagawa.Patuloy lang na magsumikap na makpagmahal ng tunay at patuloy na unawain ang kapwa.Huwag saktan ang kapwa
mahirap gumaling ang sugat.Wag magpabigla-bigla at magpadalos-dalos,maging mahinahon sa pagpapasya maliban nasa bingit ka at wala ng time.
Huwag mag-isip ng masama sa kapwa,kung ano ang sinasabi iyon ang paniwalaan,para di magkasala.Mabuti kang tao anak,magpatuloy ka at magturo
at maging ilaw ka ng mga kasmahan mo.Mahalin mo ang iyong asawa na katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.Igalang mo ang iyong asawa,di kailangan
manalo sa argument,mas dakila ang nagpapaubaya at nagmamahal.
i will always love u anak,regards to Jackielyn,tell her maraming salamat sa support,salamat sa lahat-lahat,thank you mga anak ko.
nanay

Mahihiya ako sa Lord humarap kapag di kayo naging mabuti,ibig sabihin di ko kayo tinuruan,o kaya,di ko rin alam ang mabuti.Hayyyyy!,salamat,

1 comments:
Ang haba naman nito.. hehehe
Post a Comment